Unang LP: Pandiwa Baitang 3

lp cover.jpg

Ang araling ito nakapokus sa paksang Pandiwa na ituturo sa baitang 3. Gagamitin ang kwentong  Si Pilong Patago-tago upang ipakita ang mga iilang mga kilos at aksyon na magiging bahagi ng talakayan sa Pandiwa. Matatalakay na rin ang mga iilang elemento ng kwento sa pamamagitan ng pagtanong ng kanilang mga pag-unawa sa mga detalye ng kwento. Ituturo na rin ang iba't ibang panlapi ng pagbuo ng aspektong Perpektibo (kilos na naganap na).



Baitang 3  

Paksa: Pandiwa

Materyales:

Keynote

Buribooks

Kuwaderno at panulat


Sanggunian:

Canon, K. (2004) Si Pilong Patago-tago .Adarna House, Inc. : Lungsod ng Quezon

Kahusayan:

1. Maunawaan ang kwentong binasa.

2. Maibigay ang mga elemento ng kwentong binasa.

3. Makilala ang pandiwa sa kuwentong binasa

4. Magamit ang pandiwang naganap sa pangungusap na may pandiwang naganap na na may panghalip na -um/ma/mag

Katauhan:

1. Maiugnay ang sarili mula sa kwentong binasa.

2. Maisabuhay ang mga aral na natutunan sa kwentong binasa.

Preleksyon:

Gaya-gaya, Puto Maya!

Magpakita ng mga larawan na nagpapakita ng iba’t ibang kilos. Bawat pangkat ay susubukang gayahin ang mga nasa larawan

.(Magpakita ng mga larawan mula sa kuwentong Si Pilong Patago-tago)

Bigyan ng puntos ang pinakamagandang pangkat na nakagaya sa mga larawan.


Pamamaraan:

  1. Bago Magbasa

  • Talasalitaan

Huhulaan ng mga mag-aaral kung ano ang mga salitang-kilos na ipinakita sa mga larawang ipinakita.Pagkatapos, basahin muli ang mga salita at alamin ang ibig sabihin ng mga ito.


Pagpapakilala ng mga salitang naganap na sa kuwento:


  1. nagtago-

  2. naglaro-

  3. nakatayo-

  4. nakasiksik-

  5. nakayuko-

  6. umiyak-

  7. naghanap-

  8. nakita-


  • Lunsarang Tanong

Sino dito ang nakalaro na ng tagu-taguan? Saan mo ito nilalaro?

(Iugnay sa kuwento na babasahin na tungkol sa isang batang mahilig maglaro ng taguan.)


  1. Bubuksan ng guro ang Buribooks na app at ipakita sa harap ng klase.

  2. Basahin ang buong kuwento na si Pilong Patago-tago. (Maaaring silent reading, maaari ding sabay-sabay, o

kaya naman magtawag bawat grupo o bawat mag-aaral upang basahin ang mga bahagi.

  3. Sasagutan din ng mga mag-aaral ang bawat tanong na nakapaloob sa kuwento.


  1. Pagkatapos Magbasa

Magtanong sa mga mag-aaral ng mga gabay na tanong upang mas lalong maintidihan ang kuwento. (Lalabas ang mga tanong sa huling bahagi ng kuwento)


  • Mga Gabay na Tanong:

1. Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?

2. Saan nangyari ang kwento?

3. Ano ang naging problema ng tauhan?

4. Paano niya ito hinarap?/ Paano nabigyan ng solusyon ang kaniyang problema?

5. Paano nagtapos ang ating kwento?

6. Ano ang natutunan mo mula sa ating kwento?


Pagpapalalim

  • Babalikan ng guro ang mga piling pahina ng kuwento.Tatanungin ng guro sa mga bata kung ano ang napansin nila sa mga larawan. Pagkatapos, papabilugan sa mga bata ang mga salitang mayroong kaugnayan sa larawan.

(inaasahan ang mga salitang kilos ang mabibilugan)


  • Itanong sa mga mag-aaral:

Ano ang napapansin sa mga sumusunod na salita na inyong binilugan?

  • PANDIWA- mga salitang nagpapakita ng kilos o aksyon.

Halimbawa: Naglaro ang magkakaibigan ng patintero kahapon.

Ano ang pandiwa? Naglaro

  • SALITANG UGAT - mga salitang walang panlapi o sa ingles ay root word.

Ano ang salitang ugat ng naglaro?=naglaro

  • SALITANG PAMANAHON- mga salitang ginagamit upang maipakita ang oras kung kailan ginawa ang kilos

Ano ang salitang pamanahon sa pangungusap na ito?

Naglaro ang magkakaibigan ng patintero kahapon.

  • PANLAPI- mga katagang ikinakabit sa salitang ugat para makabuo ng ibang kahulugan sa salita.

Naglaro= naglaro

NAGANAP (-um, ma, mag) kilos na tapos na o nagawa na

*Tandaan: Ang panlaping -um ay sa unahan inilalagay kapag ang salitang ugat ay nag-uumpisa sa patinig gaya ng sa UMuwi at sa pagitan naman ng salita kung ito ay katinig gaya ng sa kUMain.

UM (Panlaping -um + su)= Pandiwang Naganap

Halimbawa:

um + alis = UMalis.

Halimbawa: PANDIWANG NAGANAP + SALITANG PAMANAHON

Umalis si Pilong at ang kanyang nanay papuntang palengke noong isang araw.

um + iyak = UMiyak

HALIMBAWA: PANDIWANG NAGANAP + SALITANG PAMANAHON

Umiyak si Pilong noong napansin niyang nawala na ang kanyang nanay.

-um + tayo = tUMayo

Halimbawa: PANDIWANG NAGANAP + SALITANG PAMANAHON

Si Pilong ay tumayo nang tuwid sa poste kahapon.

-um + labas= lUMabas

Halimbawa: PANDIWANG NAGANAP + SALITANG PAMANAHON

Lumabas si Pilong sa kanyang pinagtataguan kanina

Kapag ang salitang-ugat ay nagsisimula sa patinig (A E I O U) ang panlaping um ay ilalagay sa unahan ng salita.

Kapag ang salitang-ugat ay nagsisimula sa katinig (B K D at iba pa) ang panlaping um ay ilalagay pagkatapos ng katinig.

Na/ Nag(Panlaping na/nag + su)= Pandiwang Naganap

Halimbawa:( sa aspektong naganap na, ang panlaping ma/mag ay napapalitan ng na/nag)

nag + lakbay = NAGtago

HALIMBAWA: PANDIWANG NAGANAP + SALITANG PAMANAHON

Nagtago si Pilong sa tambak na mga labahan kagabi.

na + hanap = NAhanap

HALIMBAWA: PANDIWANG NAGANAP + SALITANG PAMANAHON

Nahanap siya ng kanyang ina sa Department Store kanina lang.

Pagtatapos:

Sagutan ng mga mag-aaral sa kanilang kuwaderno.

1. Ako ay (tulong) sa mga pamilyang nasalanta ng bagyo sa Marikina noong isang buwan.

2.  (Bigay) kami ng mga relief goods sa mga biktima.

3. (kita) ko ang kanilang mga ngiti nang natanggap nila ang aming tulong.

 

Pagninilay:

Ano ang natutunan ko ngayong araw?

Paano ko magagamit ang mga pandiwa sa pang-araw-araw?


Ebalwasyon:



 
Tnico.png

About the Author

Nico Fos is a grade school Filipino language teacher. He is a tech integrator and a member of a school committee in charge of driving technology integration in the school community. As a digital learning consultant, he also conducts workshops and trainings on tech integration to promote and improve literacy skills. He was also a teacher fellow under Teach for the Philippines and conducted reading remedial programs in the early grades.

 
Teacher Jeanne